Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5 ang Katimugang bahagi ng Cagayan bandang 1:34 ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong isang kilometro sa Timog-Kanlurang bahagi ng Dalupiri, Calayan sa Cagayan.
May lalim itong 55 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Luna, Apayao; Pasuquin, Ilocos Norte.
Intensity II – Lal-lo, Buguey, Lasam and Peñablanca, Cagayan.
Instrumental Intensities:
Intensity III – Claveria, Cagayan; Pasuquin, Ilocos Norte.
Intensity II – Penablanca, Cagayan; Laoag City, Ilocos Norte.
Intensity I – Gonzaga, Cagayan; Batac City, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur.
Facebook Comments