US Vice President Kamala Harris at asawa nito bibisita sa Pilipinas

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang pangalawang pangulo ng Amerika na si Kamala Harris.

Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza sa pre-departure briefing sa Malacañang kaugnay sa pagtungo ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Bangkok, Thailand para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Ayon kay Daza, bibisita si Harris sa Pilipinas pagkatapos ng APEC Summit sa Thailand.


Magtatagal ng tatlong araw ang pangalawang pangulo ng Amerika dito sa Pilipinas.

Tiniyak ni Daza na ang pagbisita sa bansa ni Vice President Harris ay isang magandang oportunidad para mas mapalakas ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kasamang bibisita ni US Vice President Harris sa bansa ay ang kaniyang asawang si Second Gentleman Douglas Emhoff.

Facebook Comments