Habang inaasahang palabas na ang Bagyong Ompong patuloy parin itong nagdadala ng pabugso bugsong malalakas na hangin at ulan ang nararanasan ng Luzon.
Sa patuloy na malakas na pagdaloy ng tubig sa San Roque Dam dahil sa walang puknat na pag-ulan nais ng pamunuan nitong mapigilan ang biglaang pagtaas ng level ng tubig ng nasabing dam kaya naman magsasagawa na ng paunti-unting pagpapakawala ng tubig simula alas-singko ng hapon ngayong araw.
Siniguro naman ng NAPOCOR na ang paunti-unting pagpapakawala ng tubig mula sa dam ay hindi magdudulot ng biglaang paglaki ng tubig sa Agno river syatem na pwedeng maging sanhi ng posibleng flash floods.
Ang NAPOCOR ay naglabas na ng kaukulang impormasyon at warnings sa mga karatig-bayan at mga barangay na malapit sa Agno river (San Manuel, San Nicolas, Asingan, Tayug, Sta Maria) kaninang ala-una ng hapon.
Pinaaalalahanan pa rin ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog o sa mga mabababang lugar na maging alerto at handa dahil sa patuloy na pag-ulan.
September 15, 2018 (Saturday) 2PM update of Reservoir Elevation
Ambuklao =752.22 m Gates no. 1,2,6,7,8 open at 2.5m each Gates No. 3,4,5 open at 3m each Total opening= 21.5 m Inflow = 3,188.41 cms Turbine discharge = 20.78cms Spillage = 2,577.42 cms Total Outflow = 2,598.20 cms
Binga = 577.31 m Gates no. 1,2,4,5,6 open at 5.0m each gate no. 3 at 5.5m (All gates open) total Gate opening = 30.5m Inflow = 4,033.43 cms Turbine discharge = 0 cms Spillage = 3,486.84 cms Total outflow = 3,486.84 cms
Hourly rainfall as of 2PM Badayan = 27 Apunan = 32 Bobok = 12 Ambuklao = 34 Binga = 34
San Roque = 278.31 m Inflow = 4,730 cms Turbine discharge = 279 cms Total outflow = 289 cms *Gates closed. *Please be informed that San Roque will release water from the reservoir at 1700H, September 15, 2018.
DAM WATCH | San Roque Dam nakatakdang magpapakawala na ng tubig!
Facebook Comments