Mahigit 4,000 customers ng Meralco, walang kuryente dahil sa bagyo

52

Aabot sa mahigit sa 430,000 customers ng Meralco ang apektado ng biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

Ito ay matapos na maapektuhan ang linya ng mga kuryente ng malakas na hangin dulot ng bagyong Ompong.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, may ilang mga punong kahoy ang sumabit sa mga kawad ng kuryente na siyang naging dahilan ng power outage.

Hindi naman masabi ni Zaldarriaga kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng kuryente dahil nananatiling malakas ang ihip ng hangin sa ilang mga lugar.

Pahirapan rin ang repair sa mga sirang linya dahil sa lubog sa tubig baha ang ilan sa mga lugar ng kanilang mga customers.

Kasabay nito, umapela rin sa publiko si Zaldarriaga na huwag pakialaman ang mga linya ng kuryente dahil ito ay mapanganib at baka makuryente.

Facebook Comments