DAMAY | Babae, tinamaan ng ligaw na bala

ParaƱaque – Tinamaan ng ligaw na bala ang isang babae ito ay matapos madamay lang sa away ng 2 nag iinuman sa Brgy. Moonwalk ParaƱaque City.

Nakilala ang biktima na si Jocelyn Flores 45 yrs. old na agad dinala sa hospital dahil sa tama ng bala sa kanang paa.

Ayon sa initial na imbistigasyon ng ParaƱaque pulis nag talo ang security guard na si Leonardo Bunda at ang kainuman nito na si Benjie Aresgado.


Hanggang sa bumunot ng baril ang sikyo pero naagaw ito ni Aresgado.

Dito na binaril ang guwardya pero nakailag umano ito kayat si Flores na nakatayo sa lugar ang tinamaan.

Naaresto na ang 2 lalaking lasing matapos ang kinasang follow up operation.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591O ā€œComprehensive Law on Firearms and Ammunitions at Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injury.

Facebook Comments