DAMAY-DAMAY | Backlog sa passports, dahil din umano sa ginawang pagpapalawig sa passport validity

Manila, Philippines – Itinuturo ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na isa sa mga nakikitang dahilan kaya nagakaroon ng backlog sa passport processing ay ang 10 year validity ng passporte.

Ayon kay Cayetano, marami ang naengganyo sa pagkuha at pagre-renew ng passports dahil sa pinalawig pa na validity nito.

Sinabi pa nito sa pagdinig sa Kamara na wala siyang nakikitang ibang paraan kundi ang i-improve ang appointment system.


Kung aalisin ang appointment system ay tiyak na dudumugin ng publiko ang mga Consular Offices ng DFA para sa pagkuha ng pasaporte.

Dagdag pa ni Cayetano, kung walang appointment system ay posibleng umabot ng 80-100 thousand ang pasaporteng ipoproseso pero ang kaya lamang na i-process sa kada araw ay 14-18 thousand lamang.
Inamin naman ni dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na hindi nila magawang mapanagot ang United Graphic Expression Corporation sa backlog ng printing ng mga pasaporte.

Paliwanag nito hindi nila mahabol ang UGEC dahil ang agreement sa printing ng passports ay sa pagitan lamang ng DFA at APO Production Unit.

Facebook Comments