Belgium – Sampung-libong itlog ang sabay-sabay na niluto sa Belgium bilang bahagi na ng 22 taong tradisyon sa lugar.
Sa kabila ito ng egg contamination scare, kung saan tinanggal sa mga European supermarket ang mga tinda nilang itlog dahil sa insecticide fipronil.
Daan-daang residente pa rin ng Malmedy, Belgium ang tulong-tulong na nagbasag ng itlog at nagluto ng dambuhalang omelet sa isang napakalaking kawang.
Sabi ni Benedict Mathy, presidente ng Giant Omelet Fraternity – ito ay para patunayan na safe pa ring kumain ng itlog.
Facebook Comments