Dami ng mga pasahero sa mga terminal at pantalan, normal pa rin

Manila, Philippines – Minimal o kakaunti pa ang mga pasahero sa Araneta bus terminal sa Cubao para sa mga magsisiuwian para sa panahon ng Undas.

Ayon kay Princess Curitan, mula kaninang ala- singko ng umaga hanggang kaninang alas- dos ng hapon, nasa mahigit isang libong pasahero pa lamang nakabiyahe patungong Batangas, Bicol, Sorsogon at Lucena.

Halos bawat tatlumpong minuto ang pagitan ng oras nang pag- alis ng mga bus sa terminal.


Kung sakaling dagsa na ang mga pasahero, nangako ang mga bus operators na magdaradgad sila ng tigda-dalawang bus na bibiyahe.

Samantala, minimal din ang mga pasahero sa mga pantalan.

Ayon kay Philippine Coastguard Armand Balilo, normal pa ang dami ng pasahero sa Batangas Port maging sa Visayas partikular sa Matnog Port ay normal pa rin ang dagsa ng mga papauwi sa probinsya at pabiyahe sa Metro manila.

Inaasahan ni Balilo na sa hapon pa ng Lunes dadagsa ang mga pasahero ng mga barko.

Facebook Comments