Dami ng mga pulis, hindi batayan para maprotektahan ang publiko ayon kay PNP Chief Albayalde

Manila, Philippines – Naniniwala si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na hindi batayan ang dami ng mga pulis para mapangalagaan ang taongbayan.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Albayalde na hindi kailangan ang dami ng mga pulis dahil ang gusto nito ay ang kalidad ng kanilang trabaho kahit na ang ratio ay 1 pulis katumbas ng 500 katao na binabantayan ng PNP ay walang problema sa PNP Chief.

Paliwanag ni Albayalde ang pulis na nagtatrabaho ang kanyang nais na ipagmamalaki sa publiko lalo na kapag dekalidad ang kanilang mga trabaho.


Dagdag pa ng PNP Chief na maraming mga pulis ang nagreretiro bawat taon kayat 10 libo ang recruitment taon taon ang kailangan ng PNP upang matugunan at maserbisyuhan ang pangangailangan na seguridad ng taongbayan.

Facebook Comments