Hinimok ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos ang pamahalaan na ikonsidera sa susunod na alert level sa Metro Manila ang bilang ng mga nabakunahan sa rehiyon kontra COVID-19.
Ayon kay Abalos, malaking bagay ang naitalang mahigit 70% ng target population ng National Capital Region (NCR) na nabakunahan na laban sa virus.
Ibinatay ito sa datos kung saan pagsapit ng Oktubre 26 ay aakyat pa ito sa 82 percent.
Batay rin sa pagtataya, pagsapit ng Disyembre 26 ay aakyat pa sa 90% ang bilang ng mga fully vaccinated na sa Metro Manila.
Habang maituturing namang malaking bagay na marami na sa NCR ang nabakunahan.
Facebook Comments