Dance instructor, arestado matapos mahulihan ng ₱680,000 halaga ng shabu sa Brgy. Old Balara, Quezon City

Kalaboso ang isang dance instructor matapos mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000 sa buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Balara.

Kinilala ni QCPD Director, BGen. Nicolas Torre III, ang arestado na si Mark Arthur Managaytay Mendoza, 32 taong gulang na residente ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Isang undercover operative ang umaktong posuer buyer.


Nagkasundo ang suspek at posuer buyer na dadalhin ang droga sa bahagi ng Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara sa Quezon City.

At nang iabot na ang shabu na nagkakahalaga ng ₱130,000, dito na dinampot ng mga awtoridad ang suspek.

Facebook Comments