Pulis, patay matapos aksidenteng mabaril ng kabaro habang naglilinis ng service firearm

Idineklarang dead on arrival sa ospital si PCpl. Fhrank Aldene Yasay dela Cruz.

Base sa paunang imbestigasyon, naglilinis ng kanilang service firearms ang biktima at ang suspek na si PCpl. George Mervin CaƱete Duran kasama ang iba pa nilang kasamahan bilang preparasyon sa isasagawa nilang inspeksyon sa San Pablo Laguna police station nang mapansin umano ni Duran na nagkapalit sila ng baril ni Dela Cruz.


Agad tinignan ni Duran ang kanyang baril at tinanggal ang magazine at nang lilinisin na nito ang chamber ng kanyang 9MM na baril ay aksidente itong pumutok dahilan para tamaan sa dibdib ang biktima.

Nagawa pang isugod sa Community General Hospital ng San Pablo City si Dela Cruz pero binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Duran at nahaharap sa kasong Accidental Firing Resulting to Homicide.

Facebook Comments