Dance Showdown nina Isko Moreno at Francis Zamora, patok sa masa

1806
Image via Facebook/Tonight With Arnold Clavio

Viral ngayon sa social media ang dance showdown nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at San Juan City Mayor Francis Zamora na ipinalabas sa programang Tonight with Arnold Clavio nitong Miyerkules.

Sa nasabing episode, hindi umatras sa hamon ang dalawang batang alkalde na humataw sa dance floor habang pinapatugtog ang mga sikat na sayaw noong kapanahunan nila.


Ilan sa mga sinayaw ng tinaguriang “Gen X Mayors” ay “Mathematics Dance”, “Always”, at “Dying Inside”.

Muli naman nabuhay ang viral video ni Moreno kung saan nakita siyang sumasayaw ng “Dying Inside” ng nakaupo. Nakuhanan umano ang bidyo sa kanilang bahay noong Disyembre 2018.

Hindi naman napigilan kiligin ng ibang netizens sa damoves nina Moreno at Zamora.

Sa kabilang banda, iisa lang ang hiling ng karamihan sa kanila – manatili ang nararamdaman kilig dahil sa mga proyekto at platapormang pinapatupad upang maging malinis, maunlad at matiwasay ang mga sinasakupang lugar.

Parehong tinalo ng mga bagong lider ang pambato ng pamilya Estrada sa Manila at San Juan nitong nakaraang halalan.

Facebook Comments

From Advertisers