NBI, inatasan ni Justice Sec Guevarra na bumuo Special Investigation Team na tututok sa kaso ng pagpatay sa Radio commentator sa Mindanao

165

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na pumasok sa kaso ng pagpatay sa komentarista ng radyo sa Kidapawan City.

 

Pinalilikha rin ni Guevarra ang NBI na maglikha ng isang special investigation team na tututok sa kaso ng pagpatay kay Radio Commentator Eduardo Dizon.


 

Si Dizon ay binaril ng hindi pa kilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Miyerkules.

 

Ayon kay Sec. Guevarra,  nakikipag-ugnayan na rin sila sa PCOO at Presidential Task Force on Media Security.

 

Si Sec. Guevarra ang tumatayo ring Chairman ng Presidential Taskforce on media violence.

Facebook Comments

From Advertisers