Dangerous drugs committee, inilabas na ang report sa 6.4 billion illegal drugs investigation sa BOC

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng House Committee on Dangerous Drugs na maghain ng leave of absence o kaya ay magbitiw na ang mga opisyal ng Bureau of Customs.

Base sa committee report na inilabas na ng komite na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers, pinagbibitiw na ang mga opisyal ng BOC para tuluyan ng masawata ang iligal na gawain sa Customs na mismong ang ilang mga opisyal ay sangkot dito.

Pinapapalitan din ng bagong revenue collecting agency ang BOC sa pamamagitan ng pagpapasa ng panibagong batas upang maisulong ang mga reporma ng gobyerno.


Inirekomenda rin ng komite ni Barbers na sampahan ng kaso sina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Milo Maestrecampo, Niel Estrella, Gerardo Gambala at Atty. Mandy Anderson.

Kasama rin sa pinasasampahan ng kaso ang mga pribadong indibidwal na sina Richard Chen, Kenneth Dong, Manny Li, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana at Mark Taguba II.

Kasama din sa committee report ang pagbuwag sa command center ng BOC na nilikha ni Faeldon, pagamyenda sa Customs Modernization and Tariff Act at pagbabalik ng pagiisyu ng alert order sa mga papasok na kargamento sa deputy commissioner for intelligence group, enforcement group, assessment operation and coordination group at district collectors.

Nais din ng komite na magkaroon ng electronic linkage ang system ng BOC at ng BIR upang mabawasan ang National Single Window system.

Pinare-review din ng komite ang E2M system ng BOC at hiniling na pag-aralan ng consignee/importer accreditation system upang mabawasan ang human intervention sa mga cargo shipments.

Nais din ng komite na maalis na ang BOC broker accreditation upang mapadali ang proseso ng registration.

Facebook Comments