Dani Barretto, sinagot ng selfie ang mga basher: ‘Mainis kayo lalo sa maganda kong mukha’

1279
Image via Instagram / danibarretto

Palabang tinapatan ni Dani Barretto ng selfie ang mga basher na pumupuna sa kanyang itsura.

Sa caption ng ipinost niyang picture sa Instagram, pinagsama-sama ni Dani ang mga ibinabato sa kanya ng mga bashers na aniya’y saulado niya na.


“‘Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka,'” pag-quote niya.

“Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA
Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha.
You do note meeeeee,” aniya.


Kabi-kabila ang pambabatikos kay Dani simula nang dipensahan niya ang kapatid na si Julia sa kontrobersyang kinasangkutan nito.

“Nag-usap lang sa party, at may chismosang nag-decide mag-picture, cheating na agad? Bawal ang ‘hi’ sa isa’t isa, bawal magkamustahan? Cheating na agad ‘yun?! They worked together!! Of course, they’re friends! Pati ‘yun bawal na din?” pagtatanggol ni Dani sa kapatid na idinaan niya sa Twitter.

Kamakailan lang ay mainit sa publiko ang hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil umano kay Julia.

Facebook Comments
From Advertisers