Daniel Matsunaga – Napikon Na Sa Mga Basher, Bumuwelta

10

Ipagdadasal na lang daw ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga ang mga bashers nila ng aktres ng si Erich Gonzales. Buwelta ito ng aktor sa kanilang kritiko na umano’y gumagawa ng samu’t saring espekulasyon sa gitna ng pinagdaraanan ng celebrity couple hinggil sa estado ng kanilang relasyon. May ilan kasing nagsasabing third party raw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa kung saan inakusahan ng pangangaliwa si Erich. At ngayon nga, may mga haka-haka na rin na pera ang dahilan ng kanilang rumored break-up. Saad ni Daniel sa comment section ng social media website na instagram na masyado na raw lumaki ang isyu at naniniwala na hindi raw ito gagawin sa kanya ni Erich. Una ng umapela si Daniel ng privacy sa mga netizen at sinabing iwan na lang daw sa kanila ni Erich kung anuman ang pinagdadananan nila ngayon.

Facebook Comments