Raptors, Wagi Kontra Brooklyn Nets; Pero Kyle Lowry, Duguan

8

Muling inilampaso ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets sa bakbakan ng dalawang koponan kaninang umaga. Sa score na 103-95, wagi ang Raptors sa pangunguna ni Jonas Valunciunas na kumamada ng 22 points. Bagama’t duguan matapos sumalpok sa camera ng basketball ring, nakapag-ambag pa rin sa panalo ng Raptors si Kyle Lowyr bitbit ang kanyang ika-siyam na triple-double na 15 points. Ang naging panalo ng raptors kontra nets ang ika-31 panalo ng koponan sa ‎2016-2017 NBA regular season. Sunod na makakaharap ng Raptors ang Los Angeles Clippers bukas, February 7, na gaganapin sa Toronto, Ontario sa Canada.

Facebook Comments