Daniel Matsunaga – uuwi na ng Brazil

Manila, Philippines – Tiyak na mami-miss ng mga fans nito sa pinas si Daniel Matsunaga.

Kasunod na rin ng pagkumpirma ng aktor na siya ay babalik na ng Brazil pero, nilinaw nito na para lamang sa isang sport tournament.

Say ng aktor – mahigit sa isang buwan lang naman syang mawawala kung saan kanyang ire-represent ang Pilipinas sa laranggan ng street football.


Dagdag pa niya na mas lalong magiging masaya ang trip niya sa Brazil dahil nandoon ang kanyang pamilya na halos apat na taon na niyang hindi nakikita.

Kasabay ng sasalihan niyang kompetisyon ay ang kanyang Europe Concert Tour kasama ang isa pang artistang nai-link sa kanya na si Arci Munoz.

Pero, ayon sa binata –sa kabila ng kanilang closeness ay walang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa ngayon ay focus muna siya sa kanyang career para makapag-move on sa dating pinasok na relasyon.
DZXL558

Facebook Comments