Showbiz – Wagi bilang best actor sa 33rd PMPC (Philippine Movie Press Club) Star for Movies Award si Daniel Padilla.
Para ito sa pelikulang “Barcelona: A Love Untold” habang nakuha rin nila ni Kathryn Bernardo ang movie love team award.
Ang best actress award naman ay kapwa nasungkit nina Vilma Santos para sa “Everything About Her” at Nora Aunor para sa pelikulang “Kabisera”.
Naiuwi naman ng teen actor na si Joshua Garcia ang New Movie Actor of the Year sa pagganap niya sa “Vince & Kath & James” habang si Hasmine Killip ang New Movie Actress of the Year para sa “Pamilya Ordinaryo”.
Hindi rin nagpahuli ang “Die Beautiful” na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros na humakot ng limang awards kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Editing at Best Cinematography.