Nasa 72 million pesos na ang hihinging danyos ng Manila International Airport Authority (MIAA) mula sa pinsalang idinulot ng naging pagdadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA noong buwan ng Agosto.
Ayon kay Senator Grace Poe, Chairman ng Committee on Public Services, bukod pa dito ang sisingilin penalty mula sa 60 uncoordinated recovery flights mula sa Xiamen na nagdulot ng congestion sa parking ng NAIA.
Nangako aniya ang Xiamen Airlines na makikipagugnayan sila sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa pagbabayad ng mga danyos.
Sa naging pagdinig sa Senado ngayong araw kaugnay sa naturang insidente, sinabi naman ng CAAP na nagpapatuloy pa ang isinasagawa nilang imbestigasyon.
Sinabi rin ng Senadora na kailangan silipin ang contingency plan para sa mga ganitong insidente upang maiwasang maulit ang kaparehong impact sakaling maulit ang ganitong insidente.