NAKIPAGPULONG | Opisyal ng China, bumisita sa Kamara

141

Manila, Philippines – Bumisita sa Mababang Kapulungan ang Vice Chairman ng standing committee ng National People’s Congress ng People’s Republic of China na si Ji Bingxuan.

Kasama ni Bingxuan ang delegasyon nito na nag-courtesy call kay House Speaker Gloria Arroyo.

Nakipagpulong ito kay Arroyo kasunod na rin ng naging pagbisita ng Speaker sa kanilang bansa ilang araw lamang ang nakalipas.

Kasabay ng pagbisita ng opisyal ng China ay isinabay din kaninang flag ceremony ang pagtaas ng bandila ng China.

Nilinaw naman ng Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau na walang dapat na ipakahulugan dito dahil ito lamang ay pagbibigay pugay tulad sa ibang mga matataas na opisyal ng ibang bansa na bumisita din sa Kamara.

Ganito rin naman ang ginagawa sa matataas na opisyal ng Pilipinas na bumibisita sa ibang bansa.

Facebook Comments