DAPAT AYUSIN | Grupo ng mga commuters, may pakiusap sa pamunuan ng MRT

Manila, Philippines – Ngayong ipinagmamalaki na ng pamunuan ng MRT ang tuloy tuloy na operasyon ng kanilang mga tren.

Humirit naman ang grupo ng mga commuters na tutukan din ang iba pang problema ng MRT tulad na lamang ng hindi gumaganang escalator, elevator, mahinang aircon sa bagon ng tren at mapapanghing palikuran.

Ayon sa National Centre for Commuters Safety & Protection (NCCSP) dapat palitan na ang airconditioning units ng MRT lalo pa at ngayong summer season kung saan tagaktak ang pawis ng mga commuters.


Dapat ding ayusin ang mga escalators at elevators dahil maraming PWDs, matatanda at buntis ang tumatangkilik at sumasakay sa MRT.

Maging ang mga palikuran ay dapat ding siguraduhin ng pamunuan ng MRT na malinis at kaaya-aya ang amoy.
Una na ngang sinabi ng NCCSP na kabilang ang Pilipinas sa mga hindi PWD friendly pagdating sa usapin ng transportasyon.

Facebook Comments