Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian ang pagrepaso sa mandato ng National Food Authority o NFA kasunod ng pagpalpak nitong matiyak ang sapat na suplay ng NFA rice.
Ayon kay Gatchalian, sayang naman ang subsidiya ng gobyerno sa NFA mula sa buwis ng mamamayan kung hindi nito nagagampanan ang pangunahing tungkulin na tiyakin ang rice security sa bansa.
Wala ring makitang dahilan si Gatchalian para hind makamit ang dapat na imbentaryo ng bigas dahil ang taunang pangangailangan naman at produksyon nito ay kayang idetermina.
Iminungkahi din ni gatchalian na isama ang pribadong sektor sa rice trading operations habang maging solong regulator ng bigas ang NFA.
Nakikiisa din si Gatchalian sa panawagang palitan ng professional o mas magaling na team ang kasalukuyang liderato ng NFA.