QUIET NA LANG | NFA Administrator Jason Aquino, dapat tumahimik na lang sa issue ng supply ng NFA rice

Manila, Philippines – Iginiit ni National Food Authority Council Chairman at Cabinet Secretary Jun Evasco na dapat ay sumunod si NFA Administrator Jason Aquino sa iniutos ni Pagulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Evasco na sa naganap na NFA Council Meeting nitong March 19 kung saan kasama ang Pangulo ay iniutos aniya ng Pangulo na para hindi na magkaroon ng panic o kalituhan ang publiko sa issue ng supply ng bigas ay isa nalang dapat ang magsasalita at ito ay ang Chairman ng NFA Council.

Magtutugma lamang aniya ang mga pahayag ng NFA at ng NFA Council kung susunod ang NFA sa utos ng Pangulo na isa lang dapat ang nagsasalita sa issue ng bigas.


Ito naman ay sa harap ng balita na nagpahayag ng kahandaan si NFA Adminsitrator Jason Aquino na ipaliwanag ang tunay na nagyari sa supply ng NFA rice.

Facebook Comments