DAPAT I-REGULATE | Pagtatambak sa Dagupan Bubusisihin!

Sa mga nakaraang linggo halos magkasunod na dalawang linggong nalubog ang lungsod. Hindi lang dahil sa tubig ulan isinisi ito kundi sa high tide at pati narin ang mga tubig na nagmumula sa karatig bayan.

Ayon sa city engineering office ng Dagupan walang problema sa konstraksyon ng lungsod kundi ito ay maaaring dulot lamang ng mga nabaradong mga drainage dahil sa mga putik na maaring bumara sa mga ito. Kaya balak ng nasabing opisina na paigtingin ang paglilinis sa mga nasabing drainage system.

Balak naman ngayon ng Sangguniang Panlungsod na i-regulate ang pagtatambak sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa lungsod. Ayon kay Councilor Dennis Canto kailangan ito dahil ang ilan sa mga gustong magpatayo ng kanikanilang gusali ay basta na lamang tabon ng tabon.


Pinatutukan din ng SP ang pagkakaroon ng masusi at siyantipikong pag-aaral sa mga ilog, palaisdaan, at mga drainage na nakapalibot sa buong lungsod upang seryosong matugunan ang problema sa pagbaha. [image: 220px-Ph_seal_pangasinan_dagupan.png]

Facebook Comments