Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga Angkas riders na itigil na ang kanilang operasyon.
Ito ay kasunod ng paglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema na nagpapatigil sa kanilang operasyon bilang public transport.
Taliwas ito sa inilabas na desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na hulihin ang mga namamasadang Angkas riders.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Mark De Leon, dapat igalang ng Angkas riders ang desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman.
Nagsimula na ring mag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensya para sa anti-colorum operation.
Ang mga mahuhuling driver ay pagmumultahin ng ₱6,000 sa unang pagkakataon at makukumpiska rin ang kanilang sasakyan.
Facebook Comments