HUWAG MAG-LEAVE | Chief Faeldon, pinayuhan ng DOJ

Manila, Philippines – Pinayuhan ngayon ni Justice Secretary Menardo Geuvarra si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na huwag nang mag-leave.

Ito ay sa kabila ng pagkakaaresto sa kaniyang anak na si Nicanor Jr., sa bahay ng isang drug suspect sa Naga City.

Ayon kay Guevarra, hangga’t wala namang risonableng dahilan na magpapatunay ng pagkakasangkot ng kaniyang anak sa ilegal na droga ay walang dahilan para maghain itong leave of absence.


Matatandaan na si Nicanor Jr. ay dinakip sa Naga City kasama ang apat na iba pa pero walang nakuhang droga sa kaniya base na din sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).

Magkaganoon pa man, sasampahan pa din ng kaso si Nicanor Jr. dahil sa pagpunta sa bahay na ginagamit na drug den.

Tinitiyak naman ng Malakanyang na walang magaganap na whitewash sa kaso ng anak ni Faeldon.

Facebook Comments