DAPAT MADALIIN | Pagpapasa ng rice tariffication bill at pag amiyenda sa iba pang batas, sana ay bigyang pansin ng mga mambabatas – ayon sa DOF

Manila, Philippines – Umapela ang Economic Team ng Pamahalaan sa kongreso na sana ay madaliin nito ang pag-amiyenda sa agricultural tariffication act at ang pagpasa sa rice tariffication bill.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, sakaling maamiyendahan ang batas at maipasa ang nasabing panukalang batas ay dalawa hanggang 7 piso kada kilo ng bigas ang ibababa ng presyo nito.

Binigyang diin ni Lambino na matagal nang dapat naipasa ang mga nasabing panukala kaya umaasa sila na sanay bigyang pansin ito ng mga mambabatas para magkaroon ng magandang benepisyo sa mga Pilipino.


Magkakaroon din aniya ito ng magandang epekto sa inflation rate sa bansa dahil ang pagkain ay ang pangunahing factor ng Inflation.
Mahalaga din aniya ang supply ng pagkain ngayon dahil papalapit na ang holiday season kung saan inaasahan na tataas ang demand nito.

Facebook Comments