DAPAT MANAGOT | Kasabay ng pagsusumite ng report – PNP, dapat parusahan ang mga pulis na lumabag sa operasyon ng war on drugs

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na mapaparusahan ng PNP ang sinumang pulis na lumabag sa operasyon sa war on drugs.

Ito ay kasunod ng ipinag-utos ng Korte Suprema sa Solicitor General na pagsumitihin ang PNP ng report tungkol sa 4,000 mga napatay na drug suspects sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga.

Giit ni Alejano, dapat na mapanagot ang sinumang pulis na mapapatunayang lumabag sa rules of engagement at proper conduct of operations.


Naniniwala ang kongresista na malaking tulong ang nasabing utos ng Kataas-Taasang Hukuman para masuri na rin ang anti-drug policy ng bansa.

Naniniwala din ang mambabatas mula sa oposisyon na makakatulong ang pagbibigay ng record upang maging transparent ang Oplan Tokhang at mabigyang hustisya na rin ang mga napatay dahil sa war on drugs.

Facebook Comments