Dapat managot sa aberya sa NAIA, inaasahang matutukoy sa pagdinig ng Kamara

Alas-10:00 ngayong umaga nakatakda ang pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa nangyaring aberya sa Air Navigation System ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong January 1.

Kaugnay nito ay umaasa si Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na matutukoy sa gagawing pagdinig kung sino ang responsable sa naturang problema.

Diin ni Herrera, dapat may managot sa insidente lalo’t matindi ang perwisyong idinulot nito na naglagay din sa bansa sa matinding kahihiyan.


Inaasahan din ni Herrera na sa imbestigasyon ng Kamara ay lalabas ang totoong dahilan ng power outage at technical glitch na pumilay sa operasyon ng NAIA sa unang araw ng taon.

Ayon kay Herrera, paraan ang house hearing para mailatag ang nararapat na hakbang, lalo na ang lehislasyon o amyenda sa batas na kailangang gawin upang hindi na maulit ang insidente.

Facebook Comments