Pag-abswelto sa 10 human rights defenders, ipinagdiwang ng Teachers Party-list

Nakahinga ng maluwag at nakaramdam ng tagumpay si House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Ito ay matapos ma-abswelto ng korte ang 10 human rights defenders sa kasong perjury na isinampa sa kanila ni dating National Security Advise Hermogenes Esperon Jr.

Para kay Castro, ang naturang desisyon ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 139 ay paalala na dapat magpatuloy ang laban para sa karapatang pantao at hustisya.


Bunsod nito ay umaasa si Castro na mapapabilis na din ang usad at pagbasura sa iba pang umano’y mga gawa-gawang kasong isinampa sa iba pang mga human rights defenders.

Facebook Comments