DAPAT PATUNAYAN | Lokal na pamahalaan ng Naga, dapat patunayan na hindi sila ang pugad ng iligal na droga – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Hinamon ngayon ng Palasyo ng MalacaƱang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Naga na patunayang mali ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay hoid bed ng Shabu Operations.

Ito ang pahayag ng Malacanang matapos ang resolusyon ng konseho ng Naga na hindi sila kundi ang Maynila ang dapat tawaging hot-bed of shabu.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang dapat gawin ng mga opisyal ng Naga na hindi sila kadapat-dapat tawaging pugad ng iligal na droga.


Imbes na magaksaya ng panahon ay sinabi ni Roque na labanan nalang ang mga kinauukulan ang pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments