Dating SB Member ng Solana Cagayan, Patay Matapos Pagbabarilin!

Solana, Cagayan – Patay ang dating Sangguniang Bayan Member ng Solana, Cagayan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Tuguegarao City kahapon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Ruben Verbo, Officer In-Charge ng Tuguegarao City Police Station, na ang biktima ay kinilalang si June Cusipag, apatnapu’t apat na taong gulang, nakapag tapos ng Bachelor of Laws, may asawa at naninirahan ng Pallua Sur Tuguegarao City Cagayan.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Verbo na bandang alas nuebe ng umaga kahapon habang nasa gilid ng daan si Cusipag, malapit sa tapat ng kanyang bahay ay huminto ang mga suspek sa harap ng biktima at pinagbabaril gamit ang caliber 45.


Napag-alaman pa ng kapulisan na nakasuot ng hooded jacket ang mga suspek na agarang tumakas, lulan ng kanilang Toyota Fortuner patungo sa direksyon ng Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan.

Tatlong tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Cusipag na dahilan ng agarang kamatayan nito.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa mabatid ng kapulisan ang motibo ng pamamaslang sa SB Member na kasalukuyan pa rin ang koordinasyon ng PNP Tuguegarao City sa PNP Solana, Cagayan.

Facebook Comments