DAPAT SILIPIN | Senator Ejercito, umapela kay Pangulong Duterte na i-review ang performance ng DOJ

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator JV Ejercito kay Pangulong
Rodrigo Duterte na i-review ang performance ng Department of Justice o DOJ
kasunod ng kwestyonableng mga hakbang nito.

Ang apela ni Ejercito sa Pangulo ay kasunod ng aniya ay nakakadismaya at
nakakabahalang pagsailalim kay Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles sa
Witness Protection Program.

Para kay Ejercito, ang mga aksyon ng DOJ ay may malaking epekto sa kampanya
ng Duterte administration laban sa iligal na droga at katiwalian.


Ayon kay Ejercito, hindi katanggap-tanggap ang ideya na si Napoles ang
least guilty o may pinakamababang kasalanan sa pork barrel scam.

Tinawag naman ni Senate President Koko Pimentel na unbelievable “crazy”
development ang pagkwalipika kay Napoles para maging testigo sa PDAF scam
na sya mismo ang nag-organisa.

Paliwanag naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, korte pa rin ang magpapasya
kung dapat bang maging testigo si Napoles dahil ang kaso nito ay nasa
Sandiganbayan na at ang Ombudsman, hindi ang DOJ ang taga-usig.

Pero sa hakbang ng DOJ ay intresado si Lacson kung sinu-sino ang mga bagong
idadawit ni Napoles sa PDAF scam.

Facebook Comments