DAR-ARMM, Government of Belgium, UN-FAO, papanumbalikin ang agricultural production sa Marawi City!

Magkatuwang ang Department of Agrarian Reform- ARMM, Government of Belgium at United Nations-Food and Agriculture Organization sa pamamahagi ng farm inputs at chicken broilers sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Barangay Dulay Proper.
Ang naturang agricultural inputs ay kinabibilangan ng binhi ng palay at mais, buto ng mga gulay, abono, garden tool at broiler production package na inihatid sa Malimono – Dulay ARC upang manumbalik ang food security at agricultural production sa Marawi City at para sa makabangon ang ARBs mula sa kasiraang idinulot ng Marawi Crisis.
Ayon sa Ambassador of Belgium to the Philippines Michel Goffin, magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga magsasaka sa Marawi sa pakikipagtulungan ng UN-FAO.
Ang Food Security Convergence ay pagtutulungan ng government at non-government line agencies na ang layunin ay matugunan ang agarang reconstruction, rebuilding at pagpapahusay sa pamumuhay ng mga biktima ng Marawi Siege.

Facebook Comments