DAR ARMM may bagong kalihim

Pormal ng umupo bilang bagong Department of Agrarian Reform ARMM Secretary Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide.

Pinangunahan ni ARMM Executive Secretary Atty Laisa Alamia ang installation sa DAR ARMM Compound kasama ng iba pang opisyales ng rehiyon habang naging bisita ng okasyon si DOH Asec Dr. Abdullah Dumama.

Pinalitan ni Sec. Jumaide si Sec. Amihilda Sangcopan na sya namang humalili sa nagbitiw na AMIN representative Sittie Djalia Turabin- Hataman.


Kaugnay nito nangako ang bagong kalihim na ipagpapatuloy ang mga nasimulang reporma sa DAR ARMM ng mga naunang opisyal. Pinasalamatan rin nito si ARMM Governor Mujiv Hataman sa tiwala sa kanya . Si Sec. Jumaide ay dating Asec ng DOH ARMM.

Facebook Comments