Patay sa patuloy na gulo sa Marawi, umakyat na sa 955

Marawi City – Umaabot na sa 955 indibidwal ang napapatay sa ika-134 na araw na giyera sa lungsod ng Marawi.

Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nadagdagan ng apat na indibidwal ang mga nasawi sa panig ng Maute Terrorist Group na ngayon ay umakyat na sa 753 terorista.

Sumampa na rin sa 47 sibilyan ang napapatay ng mga terorista sa Marawi City.


Sa ngayon 155 mga sundalo at pulis na ang nagbuwis ng kanilang buhay sa patuloy ng labanan.

Nagpapatuloy rin ang pagligtas ng militar sa mga bihag at natrap sa gulo sa Marawi at ngayon ay aabot na sa 1,733 mga sibilyan ang kanilang nailigtas.

Sa kasalukuyan, walang tigil ang operasyon ng militar laban sa mga natitirang miyembro ng Maute Terrorist Group.

Facebook Comments