DAR- ARMM nagkaloob ng Proyektong Patubig sa Datu Saudi Ampatuan

Nagpapasalamat ngayon ang Local Government Unit ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao matapos mapagkalooban ng proyektong patubig mula sa Department of Agrarian Reform ng ARMM.
Kanina, pormal ng itinurn – over ang Hydrautic Ram Pump sa LGU na inaasahang makakabenipisyo ng 150 households ng Barangay Salbu at mga kalapit barangay.

Pinanguhan mismo ni DAR ARMM Secretary Dayan Carlsum Sangkula -Jumaide ang turn over ceremony sa mga opisyales ng LGU sa pangunguna ni Mayor Anida Dimaukom.

Sinasabing isa lamang ang Potable Water System Project mula sa 38 Million Pesos na proyektong ipagkakaloob ng DAR ARMM katuwang ang Italian Government para sa bayan ng DSA na kinabibilangan pa ng farm to market roads.


Umaasa naman ang kalihim na pangangalagaan ng mga magiging beneficiaries ang mga proyektong kanilang ipinagkaloob.

Isa lamang ang bayan ng Datu Saudi mula sa sampung bayan sa Maguindanao na makakakabiyaya ng mga kahalintulad na proyekto mula sa DAR ARMM. Karamihan sa mga ito ay mga conflict affected areas.

Bisita rin sa aktibidad ang mga opisyales na sina Maguindanao Administrator Engr Abdulrakman Asim, mga opisyales mula PNP, AFP at si DAR USEC Sylvia Mallari.

Facebook Comments