Magtutulungan ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang magkaloob ng disente at abot-kayang pabahay sa mga magsasaka.
Kasunod ito ng paglagda ng DAR at DHSUD ng isang Memorandum of Agreement na may layuning ipagpatuloy ang isang makabuluhang programa ng repormang agraryo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pabahay upang maiangat ang kalidad ng buhay at katayuan sa ekonomiya ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at ang kanilang mga pamilya.
Kabilang sa labing siyam na lugar na tatayuan ng mga bahay ay sa Ilocos Sur, Isabela, Quezon, Nueva Vizcaya, Camarines at Pangasinan.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Support and Services Emily Padilla, ang programa ay ipapatupad sa dalawang paraan, ang on-site at off-site na pabahay.
Ang on-site na paraan sa pabahay ay ang pagkukumpuni ng kasalukuyang tinitirhang bahay ng mga magsasaka, at konstruksyon.
At ang pagbili ng bagong bahay para sa mga ARB, at muling pagkakaloob ng bagong pautang na pabahay sa mga ARB.