DAR: BJMP at farmers’ cooperative marketing agreement, mas pinalawig pa

Mas pinalawig pa ng dalawang farmers’ cooperative ang kanilang marketing agreement sa Bucay District Jail sa Abra.

Ang inisyatiba ay bahagi ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) Program.

Ayon sa DAR, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng Baug Farmers Multipurpose Cooperative, Gayaman Farmers Multipurpose Cooperative at Bucay District Jail.


Sa nakalipas na tatlong taon, ang farmers’ cooperative ang nagsusuplay ng agricultural products sa Bucay District Jail tulad ng itlog, manok, alagang hayop, gulay at groceries.

Sa maliit na paraan aniya ay makatutulong sila sa mga magsasaka.

Samantala, magtutuloy-tuloy naman ang suplay ng mga pagkain sa district jail at makapagbibigay ng consistent market sa mga magsasaka para sa kanilang agricultural products.

Facebook Comments