DAR Central Office, isinara pansamantala matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang opisyal

Sarado na simula ngayong araw, July 15 hanggang August 2, 2020, ang Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office matapos makumpirma na may isang DAR Official ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas na memorandum, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na maaari pang mapaikli o mapahaba ang lockdown period depende sa health emergency situation.

Ipatutupad muna ang work-from-home ng mga empleyado maliban sa skeleton work force sa ilang critical office functions.


Inatasan na rin ang Chief protocol officer ng DARCO na magpatupad na ng komprehensibong contact tracing sa mga nakasalamuha ng COVID-19 positive.

Bukas ay ipatutupad naman ang swabbing test sa lahat ng empleyado na nagkaroon ng direct contact sa DAR official habang isinasagawa na ang disinfection sa buong Central Office.

Facebook Comments