Navy Chief, naka-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang opisyal na dumalo sa Commissioning ng BRP Jose Rizal sa Subic, Zambales

46

Naka-self-quarantine ngayon si Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo makaraang mag-positibo sa COVID-19 ang isang opisyal ng Philippine Navy na dumalo sa Commissioning ng BRP Jose Rizal (FF150) sa Subic, Zambales nitong Biyernes.


Ayon Kay Philippine Navy Spokesperson Lieutenant Cdr. Maria Christina Roxas, nagpa-swab test na rin kahapon si VAdm. Bacordo at hinihintay na lang ang resulta.

Maging ang ibang mga tauhan ng Navy at mga naging bisita sa Commissioning Ceremony ay inabisuhan na mag-self quarantine o magpa-PCR test.

Kaugnay nito maging ang mga crew ng BRP Jose Rizal ay sumailalim na sa PCR testing bilang bahagi ng kanilang pakikilahok sa Rim of the Pacific (RIMPAC) 2020 Naval Exercise sa Hawaii sa Augosto.

Aalis sila patungong Hawaii sakay ng BRP Jose Rizal sa July 29, 2020.

Una nang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na ang kanyang Staff Officer na kasama niya sa Commissioning Ceremony na una nang nagpa-PCR test ay nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments