DAR, nagkaloob ng tulong sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Odette

Photo Courtesy: https://www.dar.gov.ph/

Nagbigay ng ayuda ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa Siargao, Surigao del Sur dalawang buwan matapos itong hagupitin ng Bagyong Odette.

Personal na binisita ni DAR Secretary Bernie Cruz ang Barangay San Isidro sa Poblacion.

Ayon sa Kalihim, halos dalawang buwan na walang kinikita ang mga magsasaka dahil 60% ng mga puno ng niyog ang nasira gayundin ang kanilang pananim na palay .


Nangako si Cruz na magbibigay ng ₱500,000 bilang panimulang puhunan sa Poblacion Agrarian Reform Beneficiaries’ Organization (PARBO) para sa kooperatiba ng mga magsasaka.

Iminungkahi ng Kalihim sa mga opisyal ng PARBO na kalimutan na muna ang mga utang ng mga miyembro at ituring itong dibidendo para sa mga miyembro.

Aniya, hindi na dapat mabigatan ang mga magsasaka sa pagbabayad ng mga dati nilang utang samantalang sa kasalukuyan ay nahihirapan na silang mabuhay.

Facebook Comments