Nangako ang pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng suporta sa bagong kalihim ng Agrikultura na si Francisco Tiu Laurel Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ng DAR na susundin nito ang roadmap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagbuo ng mga estratehikong patakaran at programa na magpapaangat sa kalagayan ng mga magsasaka.
Nakahanda ito na tuparin ang pangarap ng pangulo para sa isang matatag at matibay na sektor ng agrikultura na isang kapaki-pakinabang.
Facebook Comments