DAR, nakipag-partner sa DSWD para sa proyektong supplementary feeding sa panahon ng community quarantine

Nagsanib puwersa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ilunsad ang isang Supplementary Feeding Program (SFP) habang umiiral ang community quarantine.

Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Atty. Emily Padilla, layon ng programa na matugunan ang kagutuman ng mga bata sa panahong may krisis na kinakaharap ng bansa.

Target ng SFP na mabigyan ng regular meals at iba pang provision ng pagkain ang mga bata na nasa edad tatlo hanggang apat na naka-enroll sa mga Child Development Centers.


Gayundin ang mga nasa edad 2-4 years old na nasa mga Supervised Neighborhood Play.

Hinimok ni Padilla ang mga organized group tulad ng Sustainable Livelihood Program Associations, mga Agrarian Reform Beneficiaries organizations, local community cooperatives, mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda na magboluntaryong maging service providers sa pagpapatupad ng SFP.

Para naman sa mga Local Government Unit (LGUs), donors at iba pang partner stakeholders na gustong mag-ambag sa programa, maaari rin silang magbigay ng donasyon na mga food at non-food items.

Para sa pondo sa suplay ng gatas, maaaring makipag-ugnayan sa mga lugar na may partnership sa National Dairy Authority at sa Philippine Carabao Center.

Facebook Comments