DAR, namahagi ng 252 titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Davao de Oro

24

Ipinagmalaki ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang ginawang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa 252 magsasaka ng Davao National Agricultural School-Technical Education and Skills Authority sa Barangay Prosperidad, Montevista.

Ayon kay Sec. Castriciones, ang 350 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), na may kabuuang 236.83 ektarya ng lupain, ay personal na inihatid sa kabahayan ng mga magsasaka na natukoy bilang mga kwalipikadong Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) sa 250-ektaryang Government-Owned Land sa bayan ng Montevista.


Paliwanag ng kalihim ang paghahatid ng titulo ay iginawad sa ilalim ng “Serbisyong DAR-DOOR” isa sa mga pangunahing programa ng DAR, kung saan personal niyang ipinagkakaloob ang mga titulo ng lupa sa mga magsasaka sa harapan mismo ng kanilang mga tahanan o bukid.

 

Facebook Comments