Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Old Balara, nadagdagan pa ng 3

25

Umakyat na sa 76 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa mga pumunta sa pamimigay ng ayuda ni Quezon City Councilor Franz Pumaren makaraang madagdagan ito ng 3.

Ito ang kinumpirma ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Disease Unit (CESU) kasabay ng pag-lockdown sa anim na kalye; ang Lagoon Street, Ipil, Ipil Interior, Pook dela Paz, Upper Pook dela Paz at Liwanag Street, Barangay Old Balara, Q.C.


Matatandaan na umapela si Barangay Chairman Allan Franza kay Pumaren na dapat sumunod ito sa protocol makaraang dumagsa ang anim na libong tao sa kaniyang ipinatawag na ayuda.

Aminado si Franza na nahihirapan ang mga tauhan ng barangay maging ang mga contact tracers ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil hindi kumpleto ang isinumiteng listahan ni Pumaren.

Sa ngayon, wala pa sa barangay ang pangalan ng 3 bagong positibo sa virus.

Facebook Comments