Inihayag ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa mga magsasaka na hindi natatapos ang tulong ng gobyerno sa pamamahagi lamang ng lupa.
Pahayag ito ng kalihim kasunod ng pamamahagi ng land titles ng 153.9 ektarya ng agricultural land sa 176 Agrarian Reform beneficiaries sa Tanay, Rizal.
Bukod aniya sa titulo, may mga support services pang ibibigay ang gobyerno upang mapalago at magiging produktibo ang kanilang lupain.
Dahil ang gobyerno sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines ang bumili ng private agricultural land, dapat lamang daw na maging responsable ang mga ARBs sa kanilang obligasyon.
Babayaran ng mga Agrarian Reform beneficiaries ang amortization ng lupa sa bangko sa loob ng 30 taon at bayarin sa buwis sa pamahalaang lokal.
Hangad ng DAR, DA, Land Bank of the Philippines, at iba pang CARP-implementing agencies na gumanda ang buhay ng mga benepisyaryo matapos matanggap ang kanilang titulo ng lupa.