Pinalalakas ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cagayan ang Barangay Agrarian Reform Committee (BARC) sa Bayan ng Gonzaga upang matiyak na maging matagumpay ang repormang Agraryo sa mga kanayunan.
Ayon kay Cagayan Valley Regional Director Samuel Solomero, kinikilala ng ahensiya ang kahalagahan ng mga magsasaka, may-ari ng lupa, Agrarian Reform Beneficiaries Organizations at iba pang CARP-stakeholders sa kanilang pakikilahok sa mga pagpaplano, pag-organisa at epektibong pagpapatakbo ng programa.
Dagdag pa ni Solomero na ang aktibidad na ito ay isang napakahalagang inisyatibo mula sa field office ng Gonzaga kung saan ang aktibidad na ito ay nagsilbi rin bilang lugar ng diskusyon at pagbabahagi ng kanilang mga naging problema at solusyon sa mga problemang kanilang kinaharap at ganun din sa mga usaping legal na kanilang maaaring harapin.